MENU

 

Poster OVS

Comelec Notice

 

OVERSEAS VOTER REGISTRATION

Alinsunod sa Republic Act No. 91891, na sinusugan ng Republic Act No. 105902, at COMELEC Resolution No. 10833, hinihikayat ang lahat ng Pilipino sa ibang bansa na hindi bababa sa 18 taong gulang bago ang ika-12 ng Mayo 2025 na makilahok sa darating na 2025 National Elections (Senators at Party-list) na gaganapin mula ika-13 ng Abril hanggang ika-12 ng Mayo 2025.

Para magpatala, maaari lamang pong pumunta sa Embahada ng Pilipinas sa Mexico at personal na magsumite ng inyong Overseas Voter Registration Form (OVF1 na makukuha sa https://comelec.gov.ph/?r=OverseasVoting/2025NLERegistrationForms) at valid passport mula ika-09 ng Disyembre 2022 hanggang ika-30 ng Setyembre 2024.